Sa post ni Ozawa, ibinulalas niya ang pagka-irita sa mga driver gn Uber at Grab dahil lagi aniyang sine-save ng mga ito ang kaniyang mobile number at panay ang text at tawag sa kaniya.
Aniya pa, minsan umabot na sa puntong may binlock na siyang stalker at kinailangan niyang magpalit ng pangalan at picture.
Problemado ngayon si Ozawa sa kung paano niya mapo-protektahan ang kaniyang privacy bukod sa pag-delete sa mga applications na ito sa kaniyang phone.
Dagdag pa ni Ozawa, mukhang kailangan na niyang dalhin dito sa Pilipinas ang kaniyang driver mula sa Japan.
Ilang netizens naman ang nag-react at sinabing dapat bumili na lang siya ng sarili niyang sasakyan at i-report sa mga kinauukulan at sa mismong kumpanya ang mga mapang-abusong drivers.
Sa mga ganitong applications kasi, lalabas ang iyong cellphone number sa screen ng iyong magiging driver para matawagan ka nila, ngunit may ilang inaabuso naman ang ganitong feature.