Mga Pinoy, hati sa isyu ng drug executions

 

Iba-iba ang mga opinyon ng mga Pilipino kaugnay sa mga nagaganap na pagpatay sa mga drug suspects sa buong bansa, pati na rin sa mga vigilante killings.

Gayunman, ito ang isyu na nais ng karamihan sa mga na-interview ng Inquirer na maisama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tatalakayin niya sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Ayon sa isang car sales executive na si Graziella Almasco, nais niyang malaman ang plano ni Pangulong Duterte sa paglaganap ng vigilante killings at kung bakit karamihan sa mga napatay ay pawang mga mahihirap.

Ayon naman sa tweet ni Dean Bacobo, sampung beses nang nilampasan ng mga extrajudicial killings sa mga drug suspects ngayong administrasyong Duterte ang bilang ng mga nasawi sa Mamasapano incident noong 2015.

Tanong pa niya, aakuin kaya ni Duterte ang command responsibility para dito o tulad iiwasan lang tulad ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ngunit kung mayroong mga kumukondena o kumukwestyon sa paraan ng paglaban ng administrasyong Duterte sa kalakalan ng iligal na droga, mayroon din namang hindi tumututol dito.

Isa dito si Josephine Gongora na isang tindera ng isda sa Olongapo na nagsabing ang matinding kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga ay isa sa mga pinakamagandang kaniyang sinimulan at umaasa siyang magpapatuloy ito.

Suportado rin ni Noemi Frondarina na isang spa owner sa Guiginto, Bulacan ang inisyatibong ito ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, ang iba pa naman ay umaasang matalakay rin sa SONA ang tungkol sa Paris Climate Change Agreement, media killings, disaster risk reduction and management, conditional cash transfer program at ang isyu ng pagpapababa sa tax ng mga mababa ang sahod.

Read more...