EO ni Duterte sa FOI, welcome sa mga media groups

 

Welcome sa iba’t ibang media groups ang nilagdaang executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa freedom of information.

Naglabas ng kani-kanilang mga pahayag ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), alternative media outfit network na AlterMidya at College Editors Guild of the Philippines (CEGP).

Naniniwala si NUJP Secretary General Dabet Panelo na hindi lang sila ang natuwa sa hakbang ng administrasyon na magbibigay na pagtibayin ang transparency at accountability na kaakibat ng mabuting pamamahala.

Ayon naman kay CEGP National Deputy Secretary General Jose Mari Callueng, makakatulong itong mabantayan ang mga transaksyon ng pamahalaan at ang paggamit sa pondo ng bayan.

Bukod sa pagiging mahalagang hakbang sa pagsusulong ng transparency at accountability, naniniwala rin si AlterMidya National Chairperson Luis Teodoro na makabubuti ito sa paggamit ng press freedom.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang nasabing executive order sa Davao City noong Sabado.

Read more...