CGMA papasok na agad sa Kongreso

 

Magbabalik trabaho na sa Kongreso si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos ang mahigit apat na taong pagkaka-detine.

Napag-alaman ng Philippine Daily Inquirer na kinumpirma ni Arroyo ang pagpunta niya sa pagbubukas ng 17th Congress mamaya, at ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod kay Arroyo, kinumpirma rin ng mga dating pangulong sina Fidel Ramos at Joseph Estrada ang pagdalo nila sa okasyon.

Samantala, taliwas sa inaasahan ng mga nakararami na magkakatabi sina Arroyo at dating pangulong Benigno Aquino III, nagsabi naman ito na hindi siya dadalo sa SONA.

Read more...