Mga Lumad, humingi ng tulong sa DENR

 

Inquirer file photo

Hinarap ni DENR Sec. Gina Lopez ang mga katutubong Lumad na mula sa pa sa Mindanao na nakibahagi sa Manilakbayan 2016.

Umaabot sa 3,000 Lumad ang nakibahagi sa aktibidad na namamalagi ngayon sa Polytechnic University of the Philippines sa Maynila.

Ang mga katutubo ay lumuwas mula Mindanao tungong Metro Manila upang ilapit ang kanilang problema at makibahagi sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Sa kanilang pagharap sa Kalihim inilahad ng mga katutubo ang kanilang mga hinaing kaugnay sa negatibong epekto ng pagmimina sa kanilang lugar.

Hinaing ng mga katutubo, sapilitan silang pinapalayas ng mga malalaking kumpanya at maging ng mga sundalo sa kanilang mga tinubuang lupa at siinisira ang kalikasan.

Nangako naman si Sec. Lopez na ipasususpinde ang operasyon ng mga mining companies na hindi makakapasa ipatutupad na mining audit ng Kagawaran.

Read more...