Kable ng MRT tinamaan ng kidlat, byahe naapektuhan

 

Inquirer file photo

Naputol ang serbisyo ng MRT-3 kanina matapos umanong tamaan ng kidlat ang isa sa mga kable nito.

Dahil dito, hanggang Shaw Blvd. hanggang Taft Ave., at pabalik ang serbisyo sa mga pasahero ng MRT.

Marami sa mga pasaherong nakasakay na ng MRT ang napilitang bumaba ng tren at maglakad sa pinakamalapit na terminal.

Ayon kay Department of Transportation spokesperson Cherie Mercado, naganap ang ‘lightning strike dakong alas 6:30 ng gabi kanina sa kasagsagan ng buhos ng ulan at malakas ng kulog at kidlat sa malaking bahagi ng Quezon City.

Dahil sa kidlat, naputol ang catenary cable ng MRT na nakakonekta sa tren sa pagitan ng Ortigas at Santolan station.

Hanggang kaninang alas 7:30 ng gabi, hindi pa rin nanunumbalik ang normal na operasyon ng MRT.

Read more...