Turkey, tatanggap ng 20,000 guro

 

Inquirer.net/AP

Planong tumanggap ng hanggang 20,000 bagong guro ng bansang Turkey matapos ang naganap na kudeta noong nakaraang linggo.

Ayon kay Education Minister Ismet Yilmaz, na ang papalitan nila ng mga bagong guro ang mga nasibak na mga teacher sa mga pibado at pampublikong paaralan na nauugnay sa US-based cleric na si Fetullah Gulen.

Si Gulen ang itinuturong pasimuno ng naganap na tangkang pang-aagaw ng kapangyarihan noong July 15 sa Turkey na nakabase sa Amerika.

Ayon kay President Tayyip Erdogen, nasa 15, unibersidad, 934 na paaralan at 109 na student dormitories na nauugnay kay Gulen ang ipinasara na ng pamahalaan.

Matatandaang nagdeklara ng 3-buwan state of emergency ang Turkey matapos ang magudong kudeta sa naturang bansa.

Sa naturang kudeta, umabot sa mahigit 250 katao ang namatay samantalang daan-daan naman ang inaresto.

Read more...