Isang babae, patay, isa pa ang sugatan matapos atakihin ng tigre sa Beijing, China

Toger
Inquirer file photo

Patay ang isang babae habang sugatan ang isa pa makaraang atakihin ng tigre sa isang wildlife park sa Beijing, China.

Ayon sa ulat ng Chinanews.com, nangyari ang insidente sa Beijing Badaling Wildlife World kahapon.

Nabatid na lumabas ng sasakyan ang babaeng nasawi habang nasa loob ng Wildlife park matapos magkaroon ng pagtatalo sa pagitan niya at ng kanyang kasama.

Paglabas ng biktima sa sasakyan ay bigla na lamang itong inatake at kinaladkad ng isang tigre.

Sinubukan naman siyang iligtas ng kanyang kasama na nagtamo ng mga sugat ngunit nabigo ito.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng wildlife park pero hindi na rin nailigtas ang buhay ng biktima.

Isinugod naman agad ang sugatang biktima sa ospital at ngayon ay nagpapagaling na.

Ngayon ay ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara sa nasabing park para sa “rectification”.

Read more...