Panibagong oil price rollback, asahan sa mga susunod na araw

gasMagpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng panibagong bawas sa presyo ng produktong petrolyo anumang araw ngayong linggong ito.

Ito ang kinumpirma ng mga source mula sa Department of Energy (DOE).

Ayon sa DOE, maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Mas malaki aniya ang mababawas sa presyo ng diesel kumpara sa gasolina.

Ang panibagong oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Read more...