Executive Order sa FOI, pinirmahan na ni Pangulong Duterte

FOI
Photo from Presidential Communications’ FB page

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order sa Freedom of Information bill.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Communications Office Secretary  Martin Andanar sa isang press conference sa Davao City ngayong umaga.

Hawak ang pinal na kopya ng executive order sa FOI, sinabi ni Andanar na pirmado na ito ng pangulo.

Umabot lamang aniya ng dalawampu’t limang araw sa ilalim ng Duterte administration ang pagpapatupad sa FOI.

Sakop ng EO ang lahat ng departamento at line agencies na nasa ilalim ng executive branch.

Kagabi sinabi rin ni Andanar na pina-finalized na lamang ang EO sa FOI.

Matatandaang bigong maisabatas ang FOI bill sa loob ng anim na taong termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Read more...