2 Bangladesh national, 2 Pinoy arestado sa pangingidnap at pang-hoholdap sa Pasay City

PasayArestado ang apat na kidnap at robbery suspek sa Pasay City noong Huwebes ng gabi kung saan dalawa sa mga ito ay Bangladeshi.

Nakilala ang mga suspek na sina Hosan Mohamad at Hossan Kamal (Bangladesh national), Lawrence Anthony Daliscon, isang anti-illegal drugs agent, at Jelyn Parraquirre.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City police, tinangkang kidnappin ng mga suspek ang anak ng nagmamay-ari ng isang garments warehouse sa Taft Avenue.

Nabatid na una nang hinoldap ng mga suspek ang nasabing warehouse.

Matapos ang pagkaka-aresto sa mga suspek, humarap sa isang police station sa Pasay ang mga biktima na Bangladesh national din.

Ayon sa biktima, nagnakaw din ng aabot sa 15 milyong pisong halaga ng paninda sa kanilang warehouse ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang isang .45 caliber na baril at ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Dahil dito, inihahanda na ang mga kasong robbery-in band, kidnapping at illegal possession of firearms laban sa mga suspek.

Read more...