Ito ay sa pamamagitan ng pag-aalay ng misa para sa kaluluwa ng mga napatay sa ilalim ng mas pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga ng kasalukuyang administrasyon.
Itataon ang Misa sa Lunes, July 25 kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Fr. Atilano Fajardo, director ng public affairs ministry ng Archdiocese of Manila, ang lahat ng mga kaanak ng mga napatay na drug suspects sa bansa ay inaanyayahang dumalo misa upang manalangin.
Ang “Huwag Kang Papatay,” ang ika-anim sa sampung utos ng Diyos.
Hinimok din ni Fajardo ang mga dadalo na magsuot ng black o kulay puting T-shirt na kung maari ay may nakaimprentang “Huwag Kang Papatay.”
Una nang sinabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na bagaman suportado ng Simbahang Katolika ang operasyon ng pulisya kontra iligal na droga, dapat ay nakaayon pa rin umano ito sa batas.