Tatlong drugs suspects, patay sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan

Crime scene2Tatlong drugs suspects ang napatay sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Sa Bocaue, Bulacan, napatay si Zaldy Carinio matapos makabarilan ang mga otoridad. Na-recover sa suspect ang mga shbaushabu, marijuana at baril na mayroong bala.

Sa Malolos City at Sta. Maria, Bulacan, patay naman ang dalawang hinihinalang drug dealers na sina Alyas Ben at Alyas Moris.

Ang dalawa ay kapwa nanlaban umano sa operasyon ng pulisya.

Nakuhanan din ng armas at mga illegal na droga ang dalawang suspek.

 

 

 

Read more...