3 holdaper, patay sa shootout sa QC

Patay sa shootout sa Quezon City ang tatlong hinihinalang holdaper.

Nanlaban umano ang tatlo sa mga pulis na sumita sa kanila nang sila ay maabutan sa bahagi ng Sto. Domingo Avenue extension corner J. Aquino St. sa Barangay Balinggasa.

Sa imbestigasyon, isang Lita Nadera ang nagreklamo sa mga otoridad matapos umano siyang holdapin ng tatlo.

Ayon kay Nadera, nag-aabang siya ng tricycle papuntang palengke nang tutukan sya ng baril ng isa sa mga suspek at saka tinangay ang kaniyang bag.

Agad tinunton ng mga pulis ang lugar kung saan huling nakita ang mga suspek batay na din sa pahayag ng mga bystander.

Nang parahin ng mga pulis ang tricycle na sinasakyan ng mga suspek, agad silang pinaputukan ng mga ito.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad dahilan para mapatay ang tatlo.

Na-recover din ng mga pulis ang bag ng biktima.

 

Read more...