Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng kauna-unahang Muslim TV sa Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na tatawagin ang TV Channel na “Salaam TV”.
Paliwanag ni Andanar, ang pangulo mismo ang nais makapagpatupad ng Muslim TV channel sa bansa.
“Gusto din ng ating presidente na maipatupad ang 1st Muslim TV, which will be called Salaam TV,” sinabi ni Andanar.
Maliban dito, target di ng tanggapan ni Andanar ang pagkakaroon ng “Millennial Radio” na kapapalooban ng musika at mga talakayan.
Mas aayusin din ang news radio ng pamahalaan at magkakaroon ng English news na magseserbisyo hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
“Magkakaroon din tayo ng upgrading ng ating news radio, we will have one news radio na English news lang, world service ito,” ayon pa kay Andanar.
Ang pagkakaroon naman ng digital television project ay sisimulan muna ng PCO sa mga lalawigan partikular sa Mindanao bago dalhin sa Metro Manila.