CJ Sereno nanindigang nag-sabwatan ang PCSO at si CGMA

CHIEF JUSTICE SERENO... INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
CHIEF JUSTICE SERENO…
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Sa kabila ng pagkaka-abswelto ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa kasong plunder kaugnay ng maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi naman sang-ayon dito si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Naninindigan pa rin kasi si Sereno na hindi pinansin ng majority sa korte ang mga iregularidad sa disbursements ng PCSO confidential intelligence funds at budget ceilings sa pamamagitan ng “commingling of funds.”

Ayon kay Sereno, binalewala rin ng desisyon ang report sa Commission on Audit ng isa pa sa mga akusado na si PCSO budget officer Benigno Aguas na umaming napunta sa Office of the President ang P244 million ng nasa P366 million na intelligence fund ng PCSO.

Halatang halata aniya na may sabwatan na naganap sa paulit-ulit na pag-apruba ni Arroyo sa mga requests sa kaniya sa loob ng tatlong taon.

Imposible aniyang ma-release ang PCSO funds nang hindi inaaprubahan ni Arroyo, kaya imposible ring na-disburse ang pondo nang walang kinalaman si Aguas.

Naniniwala rin siya na kasabwat rin nina Arroyo at Aguas ang dating PCSO general manager na si Rosario Uriarte.

Read more...