CGMA, overnight muli sa ibang ospital

 

Inquirer file photo

Matapos tuluyang makalabas bilang isang malayang mamamayan mula sa Veterans Memorial Medical Center, dumiretso si dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Arroyo sa kanilang tahanan sa La Vista, Quezon City.

Dahil gabi na nakalabas si Arroyo, nag-hapunan na siya sa kaniyang tahanan kung saan sinalubong siya ng kaniyang pamilya kabilang ang kaniyang mga anak at apo, pati na rin ng ilang malalapit na kaibigan.

Ngunit bagaman nakauwi na, hindi pa rin doon nagpalipas ng gabi si Arroyo dahil pagkatapos ng hapunan, dumiretso ito sa St. Luke’s Medical Center upang sumailalim sa serye ng mga medical tests.

Kabilang sa mga tests na gagawin kay Arroyo ay 2D Echo, chest X-ray, ultrasound sa atay at electro-cardigogram. Karamihan sa mga ito ay pawang may kinalaman sa iniinda niyang sakit sa leeg.

Posible namang tumagal pa doon si Arroyo hanggang mamayang hapon upang matapos lahat ng mga procedures na gagawin sa kaniya.

Read more...