Philippine stocks, pinakamataas sa loob ng 15 buwan

 

Inquirer file photo

Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taong ito, lumampas na sa 8,100 mark ang lokal stocks sa bansa.

Bagamat naging mabagal ang trading sa simula, tumaas ng 50.55 points ang Philippine Stock Exchange Index o katumbas ng 0.63 percent sa huling bahagi ng Huwebes, upang magsara sa 8,102.30 points.

Ito na ang itinuturing na all time-high na closing rate ng PSEI sa loob ng 15 buwan.

Ayon kay Manny Lisbona, pinuno ng PNB Securities na resulta ito ng positibong pananaw ng mga negosyante sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay bukod pa aniya sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo at ang mga magagandang mensaheng inaasahang ilalahad nito.

Read more...