Ito ay makaraang ipag-utos ng Sandiganbayan ang paglaya ni Arroyo bilang pagtugon na rin sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit sa 366 milyong pisong intel funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa kanyang abogado na si Lawrence Arroyo, bandang 6:25 ng gabi nang malakabas ang convoy ng dating pangulo sa VMMC.
Nakatakda rin magtungo sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City si Arroyo para sa kanyang checkup kung saan dito siya magpapalipas ng gabi.
Simula pa noong Martes nang ianunsiyo ng SC ang kanilang desisyon ay hinihintay na ng mga supporters at ng media ang paglaya ni Arroyo sa VMMC.
Dalawang araw naunsyami ang nakatakdang paglaya ng Pampanga solon matapos ma-delay ang pagsusumite ng Hukuman sa Sandiganbayan ng release order.
Matatandaang inaresto si Arroyo noong 2011 sa kasong electoral fraud na may koneksyon sa 2007 elections at pinayagang magpiyansa noong 2012.
Ngunit bago pa man makalaya ang dating pangulo, ipinag-utos naman ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya dahil sa plunder charges.
Samantala, nakalabas na rin ang co-accused ni Arroyo sa plunder case na si Benigno Aguas sa PNP Custodial Center.
Kasabay ni Arroyo, ipinag-utos din ng Kataas taasang Hukuman ang paglaya ni Aguas.