Siyam ang nasawi sa pagguho ng lupa sa isang coal mining site sa Semirara Island sa lalawigan ng Antique.
Ayon kay Isidro Consunji, Presidente ng DMCI Holdings na nagpapatakbo ng Semirara Mining Corporation, ilang araw ng malakas ang ulan sa lugar na naging dahilan ng landslide sa open-pit mining.
Mabilis aniya ang pangyayari dahilan upang matabunan ng lupa ang kanilang mga trabahor at mga kagamitan sa lugar.
Naganap ang insidente alas 3:30 ng madaling araw.
Ayon kay Antique Police Director Edgardo Ordaniel, 24-oras ang operasyon ng nasabing minahan.
Aabutin din ng 5-oras ang biyahe mula sa mainland ng Antique hanggang sa isla ng Semirara at naghahagilap na sila ng mauupahang pumpboat dahil bukas pa magkakaroon ng biyahe ng ferry papunta sa Isla./ Erwin Aguilon, Jan Escosio