May kemikal ng pesticide ang ‘macapuno candy’

juan sumulong students 3
Kuha ni Jong Manlapaz

May halong kemikal na ginagamit na pesticide ang nakain ng mga estudyante ng Juan Sumulong High School sa Cubao Quezon City.

Ayon kay Dr. Jojo Mercado, Medical Officer ng Quirino Memorial Medical Center, sa paunang pagsusuri sa mga pasyente, lumabas na kontaminado ng organophosphate ang kinaing macapuno candy ng siyam na batang naospital.

Pero sinabi ni Mercado na hinihintay pa nila ang resulta ng pagsusuri ng Philippine General Hospital (PGH) sa sample ng candy para matiyak ng isangdaang porsyento na ang nasabing kemikal nga ang nakalason sa mga biktima. “Ang organophosphate ay delikadong chemical hindi ito dapat hinahalo sa pagkain hindi ko masasabi paano nahaluan ng organophosphate yung kinain ng mga bata. We are not totally or 100% sure sa organophosphate unless ma-recieve na namin ang result from PGH,” ayon kay Mercado.

Sa ngayon mayroon pang isang bata babae na nananatili sa Intensive Care Unit dahil hindi pa stable ang kaniyang heart rate. Ang nasabing pasyente na kritikal pa rin ang kundisyon sa ICU ay nakaubos ng tatlong pack ng candy. “May isa pang pasyente na naiwan sa ICU dahil kailangan pa ng strict monitoring sa heart rate niya we still consider her na in critical condition. ‘Yung iba ay nailipat na po sa pedia ward, hihintayin na lang ang results ng blood samples na kinuha sa kanila,” ayon kay Mercado

Ang walo pang pasyente ay nasa pedia ward ng ospital./Erwin Aguilon

Read more...