Tunnel, ginagamit para paglutuan ng shabu sa Bilibid

Kuha nI Richard Garcia
Kuha nI Richard Garcia

Mayroon umanong tunnel sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) na siyang ginagamit para paglutuan ng shabu.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre, may nagpa-abot na sa kaniya ng nasabing impormasyon at ito ang susunod nilang iimbestigahan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aguirre na may nag-alok na rin ng teknolohiya sa DOJ para madali nilang ma-detect kung saan nakapwesto ang tunnel.

“Meron pong tunnel (sa Bilibid), meron po, may nagbanggit na sa akin niyan, meron tayong technology to determine kung meron talaga at kung nasaan ang tunnels,” ayon kay Aguirre.

Kasabay nito tiniyak ni Aguirre na hindi siya papasindak sa mga banta sa kaniyang buhay.

Ito ay matapos na matuklasan ng kalihim na pinatungan siya ng P50 million sa ulo ng mga drug lord para siya ay ipapatay.

Ani Aguirre, itutuloy nila ang paglilinis sa bilibid na aniya ay pinaka-corrupt sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

 

 

Read more...