Pangulong Duterte, ayaw magpatawag ng “His Excellency”

Naglabas kautusan ang Palasyo ng Malakanyang na nag-aatas sa lahat ng departamento at ahensya ng pamahalaan na itigil ang pag-address kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang “His Excellency”.

Kasama din sa memorandum ang utos na nagbabawal sa pagtawag sa mga cabinet secretaries bilang “Honorable”.

Sakop ng memo na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga departamento, bureau, pinuno ng mga ahensya, mga GOCCs at iba mga government financial institutions.

Ayon pa sa memo, dapat ay tatawagin lamang na President Rodrigo Roa Duterte ang pangulo sa kahat ng official communications at hindi ito dapat ina-address na “His Excellency”.

Ang lahat naman ng miyembro ng gabinete ay dapat tawaging “Secretary” sa lahat ng official communications sa halip na “Honorable”.

Gayunman, kung may diskresyon ang mga ahensya at tanggapan ng gobyerno na gamitin ang “Honorable” sa pag-address sa mga department heads at offices sa mga internal communications at documents.

 

Read more...