Babae patay, 1 pa sugatan sa pamamaril sa Makati

Kuha ni Christopher Diocado
Kuha ni Christopher Diocado

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin habang siya ay sakay ng isang pampasaherong jeep sa Barangay Poblacion sa lungsod ng Makati.

Sakay ang biktima ng jeep na biyaheng Delpan-Guadalupe at may plakang NVC 706 nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek.

Kuha ni Christopher Diocado

Agad nasawi ang biktimang kinilalang si Lauren Krystel Rosales, 27 anyos na residente ng Sta. Ana Maynila.

Sugatan naman ang isa pang babae matapos tamaan ng bala ng baril sa hita at agad dinala sa Ospital ng Makati.

Inaalam pa ng Makati Police kung ang nasugatang babae ay tinamaan lamang ng bala o target din ng suspek.

Ayon kay SPO1 JM Liwanag ng Makati police, nagsasakay ang jeep sa bahagi ng Reposo Street kanto ng J.P. Rizal Street na malapit lamang sa Makati City Hall, nang makarinig ang driver ng tatlong putok ng baril.

Nakita niyang nakabulagta na at duguan ang bitkima.

Ang nag-iisang suspek ay agad bumaba sa jeep matapos ang krimen, naglakad, at saka pumara ng tricycle.

Nire-review na ng pulisya ang mga CCTV camera sa lugar upang makilala ang suspek at inaalam na rin ang motibo sa krimen.

 

 

 

Read more...