Ito’y sa gitna ng tuluy-tuloy na pagsuko ng drug pushers at users, na bahagi ng kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Ako Bicol Party list Rep. Rodel Batocabe, ngayong inihahanda na rin ang 2017 proposed national budget ay marapat na isama ang paglalaan ng pondo para sa rehab centers.
Pinuri ng mambabatas ang pagsuko ng mga tulak at adik sa droga, gayunman, kailangan aniyang suportahan ang mga ito ng resources at mga pasilidad para tuluyan silang maisalba mula sa pagkaligaw ng landas.
Kung hindi aniya gagawa ng paraan ang pamahalaan para sa mas maayos na ‘road to rehab’ ng mga surrenderee, mababalewala lamang umano ang boluntaryong pagsuko ng mga ito.
Batay sa impormasyon, sinabi ni Batocabe na mahigit 60 thousand na drug pushers at users na ang sumuko sa mga otoridad, pero labing walo lamang ang rehab centers na pinatatakbo ng gobyerno sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Ayon kay Batocabe, sa 2016 national budget, mayroon namang 18.9 billion pesos na laan sa konstruksyon ng rehab center at pagsasaayos o pagpapalawal ng mga kahalintulad na pasilidad.
Pero inamin ng Kongresista na hindi ito naging prayoridad ng Aquino administration, na siyang dapat baguhin ngayong Duterte government.