Matapos ang madugo at bigong kudeta, state of emergency idineklara sa Turkey

TurkeyDahil sa nabigong military coup na ikinasawi ng 239 na katao, nagdeklara ng tatlong buwan na state of emergency sa Turkey.

Ayon kay Turkish President Recepp Tayyip Erdogan, ang deklarasyon ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbang ng pamahalaan para maaresto ang lahat ng sangkot sa nabigong kudera.

Inanunsyo ang deklarasyon ng state of emergency matapos makipagpulong si Erdogan sa national security council at council of ministers na nag-apruba naman ng rekomendasyon.

Mula noong araw ng Linggo, umabot na sa 50,000 ang naaresto na pawang may kaugnayan sa bigong coup.

Samantala, nagdeklara din ng sampung araw na state of emergency sa Mali matapos ang pag-atake na naganap kahapon na ikinasawi ng labing pitong sundalo at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.

Naganap ang pag-atake sa military base sa bayan ng Nampala.

Tatlong araw din na idineklara ang araw ng pagluluksa para sa mga nasawing sundalo.

 

 

Read more...