Bottled Water na ipinapasok sa Bilibid, hinahaluan ng shabu ayon kay Aguirre

New-Bilibid-PrisonNatuklasan ng Department of Justice (DOJ) ang paghahalo ng shabu sa mga tubig na ipinapasok sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, kabilang sa natuklasan nila sa Bilibid ang kahina-hinalang dami ng pagpasok ng mga bottled water.

Ani Aguirre, ang modus pala ay hinahaluan ng shabu ang mga ipinapasok na bottled water sa loob ng bilangguan.

Ang mga tubig naman ay pakukuluin hanggang sa matuyo ang tubig at ang matira na lamang ay ang shabu.

Ang matitirang shabu aniya ang siyang ibinebenta sa loob ng bilangguan.

Sinabi ni Aguirre na ang Bilibid ang may pinakamalalang sitwasyon sa lahat ng ahensya ng pamahalaan pagdating sa usapin ng korapsyon.

 

 

Read more...