Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman, limitado lang ang pagbisita ni Duterte sa headquarters ng 104th Army Brigade.
Itinakda ni Duterte ang pagbisitang ito upang makausap ang mga matataas na opisyal ng militar, mga pinuno sa mga lokal na pamahalaan at pati na rin sa mga sundalo.
Tiniyak naman ni Hataman sa publiko na ligtas para s amga high profile na mga bisita tulad ng pangulo ang pagbisita sa Basilan.
Hindi naman nabanggit ni Hataman kung dadalawin ng pangulo ang mahigit 3,000 pamilyang inilikas dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa pamamagitan ng mga sundalo at ng mga bandidong Abu Sayyaf sa mga bayan ng Al Barka, Tipo-Tipo at Ungkaya Pukan.
Iginiit naman ni 104th Army Brigade commander Col. Cirilo Tomas Donato na hindi ligtas para sa pangulo na tumungo sa mga nasabing bayan dahil sa presensya ng Abu Sayyaf.