Hinaing ng mga empleyado ng DBP, inihirit kay Pangulong Duterte

 

Kay Pangulong Rodrigo Duterte na idininudulog ng mga empleyado ng Development Bank of the Philippines ang kanilang mga hinaing na hindi naaksiyunan ng nakalipas na administrasyon.

Muling nagsagawa ng candle light vigil sa harapan ng kanilang main office sa lungsod ng Makati ang mga empleyado ng nasabing bangko.

Giit nila, lagpas kalahating taon na pero hindi pa naibibigay ang kanilang 2015 performance bonus, gayundin ang kanilang merit increase simula noong taong 2014 at iba pang cash incentives.

Sinabi pa ng mga empleyado lubos silang umaasa kay Ginoong Duterte dahil anila lubog na sila sa utang para mapakain ang kanilang pamilya at mapag aral lang ang kanilang mga anak.

Read more...