Hindi lamang istatistika at numero ang mga taong napapatay at pinapatay.
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga hinihinalang mga tulak at gumagamit ng droga sa kasalukuyan.
Ayon sa Obispo, tao rin ang mga naturang biktima na may karatapang sumalang sa tamang proseso o due process.
Dapat aniyang ipanatili ang pagbibigay respeto sa buhay sa gitna ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Bawat buhay aniya ay mahalaga, paalala pa ni Bishop Santos.
Ilan sa mga pamilya ng mga napapatay na umano’y nanlaban sa mga pulis ay itinatangging sangkot ang mga biktima sa pagtutulak ng iligal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES