NCRPO naka-full alert sa weekend para sa paghahanda sa SONA

NCRPO-ncrpo.pnp_.gov_.ph_
Inquirer file photo

Ilalagay sa heightened alert ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila ngayong weekend bilang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director C/Supt. Oscar Albayalde na partikular na tutukan ng kanilang pwersa ang paligid ng Batasan Pambansa Complex.

Tiniyak rin ng opisyal na sapat ang kanilang pwersa sa araw ng SONA.

Bukod sa mga tauhan ng PNP, naka-antabay na rin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines dito sa Metro Manila ngayong weekend.

Dahil tagasuporta ng Duterte administration ang ilang mga militanteng grupo kaya asahan na hindi magiging marahas ang mga pagtitipon ng mga ito ayon pa sa opisyal ng NCRPO.

Bukod sa Metro Manila, naka-full alert din ang buong pwersa ng PNP sa Davao City sa weekend hanggang sa Lunes kaugnay sa unang SONA ni Duterte.

Read more...