Mga kaalyado excited na sa pagbabalik trabaho ni CGMA

CGMA
Inquirer file photo

Excited si dating House Speaker Prospero Nograles sa napipintong paglaya ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Nograles, sa wakas ay maipagpapatuloy na ni CGMA ang paglilingkod sa bayan nang walang anumang restrictions.

Para sa dating speaker, long overdue na ang hustisya para kay GMA kaya naman tama lamang na nagdesisyon na ang Korte Suprema sa kaso.

Kabilang aniya sa tiyak na dapat abangan kay Arroyo ay ang paglahok nito sa mga debate at talakayan sa Kapulungan.

Naniniwala si Nograles na magagamit at maibabahagi ni Arroyo sa Kamara ang husay nito, hindi lamang bilang dating presidente kundi bilang isa sa pinakamahuhusay na ekonomista sa Pilipinas.

Dagdag nito, magkaka-alaman na ang halos lahat ng magagandang nangyari sa ekonomiya ay dahil sa mga pundasyon ng dating administrasyong Arroyo at hindi gaya ng kini-claim ng nagdaang administrasyon.

Si Nograles ay ang House Speaker ng Mababang Kapulungan noong administrasyon ni Arroyo.

Read more...