Bus driver at kunduktor na naka-aksidente ng pasahero supendido

EDSA-babae-nahulogHindi muna makakabiyahe ng 30 araw ang bus kung saan sumakay at nahulog ang isang babaeng pasahero sa bahagi ng Edsa sa Makati City.

Ito ay matapos suspindihin ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Jasper Jean Bus na may plakang TYS 638 pati na ang tsuper at kundoktor nito nang maganap ang aksidente.

Magugunita na naging viral sa social media ang video ng pagkakahulog ng pasahero sa pagbaba nito sa Kalayaan Avenue sa Edsa na isang no loading / unloading area.

Napanood din sa video ang hindi pagsaklolo ng konduktor ng bus sa pasahero at tiningnan lamang niya ito.

Sa pagdinig sa LTFRB sinisi ng pa ng konduktor ang naaksidenteng pasahero na nagmamadali umanong bumaba ng bus pero inamin niya na alam nila at ng kanyang driver na bawal ang magbaba ng pasahero sa nasabing lugar.

Read more...