Sandiganbayan naglabas ng HDO para kina Sen. Gatchalian at Cong. Pichay

gatchalian-pichay-620x428
Inquirer file photo

Naglagak na ng P90,000 na piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan ang ilang mga dating opisyal ng Express Savings Bank na dating pag-aari ng Gatchalian Family.

Kabilang sa mga nagbayad ng bail ay sina Valenzuela City Rep. Weslie Gatchalian na dating opisyal ng naturang bangko na nahaharap sa mga kaso ng graft at malversation of public funds.

Nagbayad din ng piyansa sa Sandiganbayan ang mga iba pang mga mga dating bank executives na sina Dee Hua Gatchalian, William Gatchalian, Kenneth Gatchalian, Yolanda dela Cruz at Elvira Ting.

Nag-ugat ang kaso sa ginawang pagbili ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa Express Savings Bank noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Sinabi ng Ombudsman na nalugi ang pamahalaan sa nasabing investment na pinasok ni dating LWUA President at ngayo’y Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay.

Si Pichay na kasama rin sa kaso ay hindi pa naglalagak ng piyansa samantalang si Sen. Sherwin Gatchalian ay nagbayad naman ng bail noong nakalipas na linggo.

Kabilang din sa mga kinasuhan ang mga dating opisyal ng Forum Pacific Inc. executives sa pangunguna ni Peter Salud.

Ang FPI ay isa rin sa mga may-ari ng Express Savings Bank bago ito binili ng LWUA sa halagang P80.3 Million.

Ngayong hapon lamang ay naglabas na ng Hold Departure Order (HDO) ang Sandiganbayan laban kina Sen. Gatchalian, Cong. Pichay at mga dating opisyal ng Express Savings Bank dahil sa graft at malversation charges.

Read more...