Bumababa umano ang bilang ng krimen sa Metro Manila partikular ang mga crimes against property, base sa crime trend ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
Ayon kay NCRPO Director PCSupt Oscar Albayalde, bumaba ang tala ng robbery, theft, kabilang ang carnapping at physical injury.
Batay sa datos ng NCRPO, noong ikalawang semestre ng 2015 o mula July hanggang December, ang daily average ay pumapalo sa 77.
Bumaba ito sa 59 noong 1st semester ng 2016 o mula Enero hanggang Hunyo habang bumaba ito sa 52 noong July 1 hanggang 15 sa pag-upo ni CPNP Ronald Bato dela Rosa.
Pero aminado naman ang NCRPO na sa nasabing datos, tumaas naman ang mga kaso ng murder at homicide.
Sa tala, noong 2nd semester ng 2015, nag aaverage lamang ito ng 1 kada araw.
1 din ang average noong 1st semester ng 2016 na tumaas ng 2 noong July 1 hanggang 15 kasunod ng pag-upo ng bagong administrasyon.
Samantala, sa murder, noong 2nd semesrer ng 2015 nasa tatlo lamang ang kaso kada araw.
Dalawa naman noong 1st sem ng 2016 at 4 na kaso noong July 1 hanggang 15.