Higit 200 na-promote sa liderato ni Kid Peña, pinasusuri ni Abi Binay

 

Inquirer file photo

Pinaiimbestigahan ni Makati Mayor Abigail Binay ang pagkakaroon ng mahigit sa 200 appointees ni dating Mayor Kid Peña nang ma-appoint ito bilang alkalde ng lungsod.

Ito’y dahil nangyari umano ang appointment t promosyon ng mga naturang empleyado sa panahon ng election period.

Ayon kay Atty. Don Camiña legal counsel ni Binay, na kanilang hinihimay na ang personnel records ng nasa 276 na manggagawa ng Makati City Hall na pumasok o di kaya ay na-promote sa loob lamang ng isang taong paninilbihan ni Peña.

Ang mga pangalan aniya ng mga empleyado ay kanilang ipinadala sa Civil Service Commission upang matukoy kung legal ang pagkakatanggap ng lokal na pamahalaan sa mga ito.

Si Peña ay naitalagang mayor noong June 2015 nang patalsikin ng Ombudsman si Junjun Binay.

Samantala, iginiit naman ni Peña na walang mali sa promosyon ng mga naturang personnel.

Marami aniya sa mga ito ay mahigit 28 taon nang nagtatrabaho sa City Hall kaya’t marapat lamang na ma-promote ang mga ito.

Read more...