50 bahay, naabo sa Cebu City fire

 

Junjie Mendoza/CDN

Hindi bababa sa 50 bahay ang tinupok ng apoy sa ilang oras na sunog na naganap sa dalawang barangay sa Cebu City.

Ayon sa Cebu City fire, nagsimula ang sunog mga tahanan sa Bgy. Capitol site at Guadalupe Martes ng hapon.

Mabilis na kumalat ang apoy na agad na itinaas sa Task Force Alpha ng mga bumbero.

Makalipas ang dalawang oras, ganap na naapula ang sunog ngunit naapektuhan na ang maraming residente.

Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Angelo Abellena makaraang sumiklab ang main electric switch nito.

Nahirapan naman ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa kitid ng mga eskinita sa lugar.

Nasa gilid din ng Guadaupe riverbank ang lugar na pinangyarihan ng sunog kaya;t hindi makapasok ang mga fire truck sa area.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Read more...