ISIS inako ang German train attack, pero mga otoridad duda dito

 

Inako ng Islamic State ang pag-atake ng isang lalake na armado ng palakol at patalim sa mga pasahero ng tren sa Wuerzberg, Germany na ikinasugat ng hindi bababa sa 5 katao.

Sa pamamagitan ng kanilang news agency na Aamaq, makikita sa isang ang suspek na armado ng patalim at nagbabantang maghahasik ng kaguluhan sa Germany. Gayunman, duda dito ang mga otoridad sa pagsasabing malaki ang posibilidad na-self radicalized lamang ang suspek sa internet.

Ayon sa mga imbestigador, wala pa silang hawak na konkretong ebidensya na direktang mag-uugnay sa 17-anyos na suspek sa Islamic State.

Bagamat may nakitang hand-painted na bandila ng ISIS sa kuwarto ng suspek, hindi pa rin ito sapat upang magpatunay na kaanib ang suspek ng terror group.

Kahapon, sumalakay sa isang tren ang suspek at nanghalihaw ng patalim at palakol.

Napatay naman ang suspek sa pagresnde ng mga pulis.

Kinumpirma naman ng mga otoridad na apat sa limang nasugatan sa insidente ay pawang mga Hong Kong residents.

Read more...