SC ruling pabor kay CGMA, dapat noon pa

ArroyoWalang nakikitang iregularidad ang ilang Kongresista sa desisyon ng Korte Suprema na palayain na si dating Pangulong at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay dating House Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr, dumaan sa due process ang lahat ng mga kinalaman sa kaso ni GMA.

Ani Belmonte, minsan siyang dumalaw kay Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC, kung saan naka-hospital arrest ang dating Presidente.

Sa harap ng SC ruling, sinabi ni Belmonte na masaya siya para kay Arroyo ngayong makakalabas na siya sa isa sa kanyang problema.

Para naman ki Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe, ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ay ‘triumph for the rule of law.’

Subalit mas mainam aniya sana kung inilabas ang SC ruling noong administration ni dating Pangulong Noynoy Aquino, upang mapakita ang independence ng hudikatura.

Sinegundahan ito ni Isabela Rep. Rodito Albano at sinabing matagal na dapat na pinalaya si Arroyo lalo’t wala namang matibay na ebidensya laban sa Pampanga solon.

Dagdag ni Capiz Rep. Fredenil Castro, walang ‘convincing, legal at factual bases’ para i-convict si Arroyo.

Si Arroyo, 3rd termer Congresswoman, ay naharap sa kasong plunder dahil sa umano’y maanolmayang paggamit sa PCSO intel funds noong Pangulo siya ng bansa.

Read more...