Kasunod ito ng pagpapahintulot sa mga regular taxi na makapasok na sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ang paniningil ng mga taxi driver sa mga pasahero ay batay dapat sa taripa ng kanilang metro.
Pinagbabawal aniya nila ang pangongontrata at paniningil ng sobra-sobra sa mga pasahero.
Sinabi rin ni Monreal na lahat ng mga pasahero ay bibigyan ng papel kung saan nakasulat doon ang pangalan ng taxi company, plate number, operator at mga numero na maaari nilang tawagan ukol sa mga reklamo.
Pinayagan aniya nila ang mga taxi sa loob ng NAIA terminals upang magsilbing alternative mode of transportation sa mga pasahero.
Sa ganitong paraan ay matutugunan na ang kakulangan ng accredited taxi at vehicles-for-hire sa NAIA kung saan libo-libong domestic at international na pasahero ang dumadating sa paliparan.