Malakanyang nirerespeto ang pagkakabasura ang kaso laban kay CGMA

arroyo1“Irespeto at sundin na lamang ang naging desisyon ng Korte Suprema”.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa pagkakabasura ng kasong plunder ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, nagsalita na kasi ang Kataas taasang Hukuman kung kaya walang magagawa ang ehekutibo kundi ang sumunod na lamang.

Base sa desisyon ng Supreme Court, labing isang mahistrado ang pumabor na ibasura ang kaso laban kay Arroyo dahil sa kakulangan ng ebidensya habang apat ang tumutol.

Nakasuhan si Arroyo ng plunder bunsod ng umano’y maling paggamit ng 365 milyong pisong intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Una rito, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siyang pagkalooban ng pardon si Arroyo dahil sa biktima lamang umano ito ng matinding pulitika sa bansa.

Read more...