Dating Pangulong Arroyo pinawalang-sala sa kasong plunder ng Korte Suprema

ArroyoInabswelto ng Korte Suprema sa kasong plunder ng Sandiganbayan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa botong 11-4, pinaburan ng mayorya ng mga mahistrado ng Mataas na Hukuman ang mosyon ni Arroyo para ibasura ang kasong plunder na may kaugnayan sa anomaly sa paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang apat na bumoto kontra sa pagbasura sa kaso laban kay Arroyo ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, at Associate Justices Antonio Carpio, Marvic Leonen at Benjamin Caguioa.

Dahil sa nasabing pasya ng SC, maaring mapalaya na si Arroyo na apat na taon nang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa ruling ng SC, mahina umano ang ebidensya laban sa dating pangulo.

Ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ni Arroyo, ang nasabing pasya ng SC ay patunay lamang na talagang bahagi lamang ng political harassment ng nagdaang administrasyong Aquino ang mga kasong isinampa laban kay Arroyo.

 

Read more...