Kabilang sa mga napatay ang dating army captain na si Byron Lima Oliva na nahatulan at nakulong sa kasong pagpatay sa isang Guatemalan bishop.
Naganap ang pagpatay ni Oliva kay Bishop Gerardi noong April 26, 1998 at itinuturing itong isa sa most notorious crimes sa history ng Guatemala.
Ayon sa tagapagsalita ng Guatemalan National Institute of Forensic Sciences, naganap ang riot sa Pavoncito prison.
Hindi pa naman matukoy kung ano ang pinag-ugatan ng riot na ikinasawi din ng labing dalawang iba pang preso.
MOST READ
LATEST STORIES