Ito ay dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Tatagal ang yellow alert ng anim na oras na sinimulan kaninang alas 10:00 ng umaga hanggang mamayang alas 4:00 ng hapon.
Inaasahan kasing aabot sa 9479MW ang demand ng kuryente sa nasabing mga oras.
Ayon naman sa Meralco, naka-shutdown ngayon ang Ilijan Block 2 (300MW) at ang SLTEC 2 (122MW).
Kasalukuyan pa ring naka-shutdown ang Pagbilao 2 (383MW), Malaya 2 (350MW), Malaya 1 (300MW) at ang Angat main 2 (50MW).
Habang limitado naman ang output ng Calaca 1 (180MW to 200MW).
Payo ng Meralco sa publiko, higit na magtipid sa paggamit ng kuryente ngayong naka-yellow alert ang Luzon Grid upang maiwasan ang posibilidad ng rotational brownout.