HDO inilabas ng Sandiganbayan laban sa mag-amang Jejomar at Junjun Binay

jejomar-binayNagpalabas ng Hold Departure Order ang Sandiganbayan 3rd division laban kay dating Vice President Jejomar Binay at anak niyang si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Ito ay kaugnay sa kinakaharap na mga kasong graft, malversation at at falsification of public documents ng mag-ama.

Kasama ring inisyuhan ng HDO ang labing siyam na iba pang co-accused ng mag-amang binay sa kasong may kaugnayan sa maanomalyang konstruksyon ng P2.28-billion na Makati parking building.

Noong Biyernes ay personal na naghain ng piyansa ang nakatatandang Binay.

Aabot sa P376,000 ang inilagak na piyansa ni Binay kabilang ang P40,000 para sa kasong malversation, P30,000 para sa bawat bilang ng kasong graft at P24,000 para sa bawat bilang ng kasong falsification of public documents.

 

Read more...