Dating MMDA chair Bayani Fernando, 5 iba pa pinakakasuhan sa multi-million MMFF fund scam

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban kay dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at ngayon ay Marikina 1st District Rep. Bayani Fernando.

Labingtatlong kaso ng graft o paglabag sa Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) ang ipinasasampa laban kay Fernando kaugnay sa anomaly sa paggamit ng pondo ng Metro Manila Film Fest.

Kasama ring pinakakasuhan sina d MMDA Assistant General Manager Edenison Fainsan, Director Leonila Querijero, Consultant Rolando Josef, Chief Revenue Officer Cleofe Ablog at General Manager Robert Nacianceno.

May hiwalay na kasong grave misconduct din na isasampa laban kina Fainsan at Querijero at ipinag-utos na sila ay masibak sa serbisyo.

Ayon sa isinagawang special audit ng Commission on Audit (COA), nag-isyu ng Notices of Disallowance sa ilang disbursements na naganap sa MMDA noong 2003 hanggang 2009.

Kabilang ditto ang P1.6million bilang birthday cash gift kay Fernando; P11.8million bilang expenses para sa cultural projects; at P10.8million bilang cash incentives para kay Fernando at sa iba pang miyembro ng Executive Committee.

Ayon sa COA may iregularidad sa disbursement ng MMFF fund dahil walang mga official receipts mula sa mga LGUs na magpapatunay na inaprubahan ang mga pinaglaanang proyekto at walang aprubadong payrolls para sa cash incentives.

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagsabwatan ang mga nabanggit na MMDA officials para maisagawa ang irregular payments at paggastos ng pondo ng MMFF.

 

 

Read more...