Ayon kay Bavarian Interior Minister Joachim Herrmann, isang Afghan na 17 anyos ang nagbitbit ng palakol at kutsilyo sa tren at saka nanaksak ng mga pasahero.
Pumasok umano sa Germany ang suspek bilang isang “unaccompanied minor” at tumira ng dalawang linggo sa isang “foster family”.
Matapos ito ay inilipat siya sa Kolping-Heim refugee center at doon kinalinga.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente at inaalam kung totoo ang mga balita na sumigaw pa ang suspek ng “Allahu Akbar” (“God Is Great”) bago siya umatake.
Noong nakaraang taon, umabot sa isang milyong refugees ang pinayagang makapasok sa Germany. Kasama dito ang aabot sa 150,000 na Afghans.