PDP-Laban at LP coalition, lalo pang lumabo

phl_congressPosibleng wala nang magaganap na koalisyon sa pagitan ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan O PDP-Laban at Liberal Party o LP, para sa 17th Congress.

Sa text message sa house media, sinabi ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na hindi tuloy ang coalition signing dahil hindi pa rin desidido ang LP kung lalahok o hindi sa majority coalition.

Nakatakda sanang pirmahan ng coalition agreement ng PDP-Laban at LP ngayong araw.

Ani pa ni Fariñas, kahit ginawa na ng PDP-Laban ang lahat ng makakaya ng partido para pagbigyan ang mga request ng LP ay ‘vacillating’ o urong-sulong pa rin ang dating administration party.

At bagama’t mahaba na ang negosasyon, paiiba-iba umano ang isip ng partido Liberal, sa pangunguna ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr.

Sinabi ni Fariñas na handa sana ang ruling party na tanggapin ang lahat ng hirit ng LP kaya nga pumayag na itong panatilihin hanggang 40 ang bilang ng LP members.

Pero simula aniya noong June 7 na unang napagkasunduang petsa ng pirmahan ng kasunduan at hanggang ngayon, mistulang alumpihit ang LP.

“It has been cancelled as the LP has been vacillating as to whether it will join the majority coalition or not. The PDP-Laban has been bending to accommodate all the LP’s requests, even to have 30 or so members joining the Majority Coalition. But since June 7, which was the first agreed upon date for the signing of its Coalition Agreement with the PDP-Laban, the LP has been vacillating,” ayon kay Fariñas.

Ang ibang malalaking political parties ay lumagda na sa kasunduan sa PDP-Laban gaya ng NUP, NP at NPC habang ang mga miyembro ng partylist coalition sa Kamara ay nakipag alyansa na rin sa kanila.

 

Read more...