Bumaha sa bahagi ng kanto ng Pagkabuhayan at Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City.
Ito ay dahil sa nasirang tubo ng Maynilad dahilan para tuloy-tuloy na lumabas ang tubig at bumaha sa lugar.
Dahil dito naging pahirapan ang pagtawid ng mga papasok sa trabaho at eskwelahan na dumaraan sa lugar.
Reklamo rin ng ilang mga residente, humina ang pressure ng tubig sa kanilang mga gripo sanhi ng pagsabog ng tubo.
Agad namang nagtalaga ng mga tauhan ang Maynilad sa lugar para kumpunihin ang nasirang tubo.
WATCH: Tubog ng tubig nasira sa Brgy Bagbag Novaliches QC | @RickyBrozas pic.twitter.com/Pq1q4cRuYP
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 18, 2016
MOST READ
LATEST STORIES