China magpapadala ng pinakamalaking delegasyon sa Rio Olympics

 

Inquirer file photo

Kabuuang 416 na atleta ang ipapadala ng China sa 2016 Rio de Janeiro Olympics, kabilang ang 35 na dati nang nag-kampyon sa mga naunang Olympics.

Bubuuin ng 160 kalalakihan at 256 na kababaihan ang kanilang team na lalaban sa 210 events sa 26 na sports.

Ayon kay Chinese General Administration of Sport deputy director Cai Zenhua, kung isasama pa ang mga coach at iba pang staff, papalo sa 711 ang bilang ng buong delegasyon ng China.

Ang pinakabata sa kanila ay ang 14-anyos na swimmer na si Ai Yanhan, habang ang pinakamatanda ay ang 39 taong gulang na 2008 Beijing Olympics shooting champion na si Chen Ying.

Ito na ang magiging ika-apat na pag-sabak ni Chen sa Olympics.

China rin ang ikalawa sa nakakuha ng pinakamaraming bilang ng medalya noong 2012 London Olympics, kasunod ng United States.

Read more...